Hinimok ng mga awtoridad sa Singapore ang mga banyagang mga domestic worker na maging maingat matapos makatanggap ang iba ng mga text sa mga taong nagsasabing sila’y mga legal na nagpapautang.
Nangyari ito matapos mabiktima ang dalawang domestic worker – isang Filipina at isang babaeng Indones – sa mga loan shark kamakailan lamang na nagdemanda ng pagkalaki-laking mga kapalit.
Ang isang Filipinang nagngangalang Michelle, edad 40, ay nangangailangan ng karagdagang pera matapos niyang malamang nangangailangan ang kaniyang ina ng isang operasyon dahil sa kaniyang kondisyon sa puso. Nalaman niya ito habang nasa abroad ang kaniyang amo dahil sa isang business trip, iniulat ng Shin Min Daily News.
Sa oras ring iyon, nakatanggap siya ng isang ‘di inaasahang text mula sa isang ‘di niya kilalang tao, na nagsabing kayang magbigay ng pera agad-agad.
Dahil sa emergency, at dahil na rin hindi siya handa para sa sitwasyon na iyon, siya’y nag-reply na kinakailangan niyang mangutang S$400 (PHP15,400). Sinabi ni Michelle na S$350 (PHP13,500) lamang ang nalagay sa kaniyang account dahil ang S$50 (PHP1,900) ay itinuring na service charge ng nagpautang.
Matapos ay pinuwersa siyang magbayad ng S$500 (PHP19,000) sa linggo ring iyon, kung hindi ay kailangan niyang magbayad ng S$100 (PHP3,800) bilang “weekly interest” pagkalipas ng deadline. Pinagbantaan rin siyang susunugin ang bahay ng kaniyang amo kung hindi niya ito natupad.
Ngunit sa isang araw matapos ng deadline, binisita ng isang messenger ng mga loan shark na nagkunwari bilang isang delivery man noong mga hating gabi. Ikinagulat ito ni Michelle, kaya napilitan siyang magsampa ng reklamo sa pulis kinabukasan. Sa kabutihang palad, maunawain ang kaniyang amo, at nais bayaran ang kaniyang utang ng S$500 para sa kaniya.
Ang isa namang kaso na may kinalaman naman sa isang Indones na manggagawa na nagngangalang Wati, edad 30, ay nakatatanggap rin ng mga text araw-araw mula sa mga naturingang legal na mga nagpapautang mula sa Bugis noong Setyembre.
Dahil sa kaniyang mausisang ugali, at matapos ng mga “garantiyang” lehitimo ang nagpapautang na kumpaniya, siya’y nag-reply, at nangutang ng S$400 at pinupuwersa siyang magbayad ng S$600 (PHP23,000) sa susunod na linggo.
Ngunit ito’y naging bangungot dahil patuloy na naghuhulog ang nagpapautang sa kaniyang account kahit hindi naman niya sinasabi. Kinalaunan ay mayroon nang mga demanda sa kaniya na magbayad ng S$2,650 (PHP102,000) mula sa apat na mananawag, na sinabing sila’y mga loan shark.
Naalarma si Wati at sinabi ang kaniyang mga problema sa kaniyang amo. Dinala siya sa mga pulis upang siya’y matulungan. Kailangan niyang kunin ang kaniyang bank account, at ibahin ang kaniyang mga phone number upang matigil na ang mga harassment.
Hinimok ng mga pulis ang mga tao na maging mas maingat. Sinabi nilang maaaring tumawag ang mga amo at mga domestic worker sa ‘999’ kung nangangailangan na sila ng mabilisang tulong, o maaari rin naman silang tumawag sa National Crime Prevention Council’s (NCPC) ‘X Ah Long’ (na ibig sabihin ay ‘bawal ang loan shark’) Hotline sa 1800-924-5664 upang magbigay ng mga detalye na maaaring iparating sa mga pulis upang tumulong sa pag-iimbestiga.
Original: Filipina, Indonesian woman fall victim to loan sharks