The scared little boar peeks over the side of the Qingyuan bridge. Photo: YouTube.
The scared little boar peeks over the side of the Qingyuan bridge. Photo: YouTube.


Nag-viral sa internet ang isang video ng isang bulugan na nahihirapang lumakad sa tulay na may lapag na yari sa salamin sa Qingyuan sa timog China.

Ayon sa Global Times, tumakbo ang bulugan sa tulay matapos ito buksan ng mga guwardiya upang ito’y linisan noong Sabado ng umaga (December 1). Ayon sa isa sa mga guwardiya, hindi pa siguro nakakikita ang bulugan ng isang tulay na yari sa salamin, na maaaring ikinatakot nito.

Makikita ang bulugan na nanginginig sa takot habang sinusubukan nitong magpadulas sa tulay at bumalik sa ligtas na lupa. Dahil ang tulay ay nababalot pa ng hamog, mas kinailangan pa ng higit na pagsisikap para sa hayop na magpadulas sa lapag nito.

Tumulong ang mga guwardiya ng tulay sa pamamagitan ng pagtataboy ng tubig sa harap ng bulugan habang marahan nila itong itinutulak papunta sa entrance ng tulay. Ngunit tumitigil pa ito at sumisilip pa sa mga gilid kada tulak sa kaniya.

Sa oras na nakarating ang bulugan sa kagubatan, napagod na ito. Inantay na muna ng mga guwardiya na ito’y makabawi ng lakas, bago nila ito mas itaboy pa papalayo sa kagubatan.

Ayon sa isa sa mga guwardiya, hindi bihira ang mga bulugan roon dahil sa lugar ng pinagtatayuan ng tulay, na may katabing kagubatan.

Binuksan sa publiko ang tulay na yari sa salamin sa Qingyuan, na pinakamalaki sa mga uri nito sa buong mundo, noong Hunyo ng 2018.

YouTube video

Original: Boar regrets walk on glass bridge in China