Kalahating siglo man ang lumipas, pinarangalan pa din ang 15 Filipinong beterano mula sa World War II ng US Congressional Gold Medal, ang isa sa pinakamataas na US civilian award, para sa kanilang serbisyo.
Ang pinakamatandang nakatanggap ay si Marianito R. Quidet, 101-anyos at ang pinakabata naman ay si Isabel C. Mauel, 91-anyos, na siya ding nag-iisang babaeng pinarangalan. Ang dalawang award naman ay inialay sa mga yumao nang beterano, iniulat ng Kagay-An.
Inanunsyo sa Veterans Day event sa Pilipinas, na in-organisa ng PHIVIDEC Industrial Authority, na ang mga award ay isinagawa sa ilalim ng Filipino Veterans of World War II Congressional Gold Medal Act. Ipinasa ng US Congress noong Nobyembre 2016. Ang bill ay pinirmahan upang maging batas ng dating president Barack Obama makalipas ang isang buwan.
Ang unang grupo, na may 13 pinarangalan, ay inanunsyo noong Setyembre.
Ang Congressional Gold Medal, na may basbas ng US Congress at Presidential Medal of Freedom, na siyang iginagawad ng presidente ng Estados Unidos, ang siyang pinakamataas na award na ibinibigay sa isang sibilyan ng Estados Unidos.
Original: US honors 15 Filipino veterans for services in World War II