Halifax in Nova Scotia, Canada. Photo: Wikimedia Commons
Halifax in Nova Scotia, Canada. Photo: Wikimedia Commons

Maaaring makulong ang isang Filipino-Canadian na negosyante sa Halifax matapos mapatunayang nagkasala sa ‘di sapat na pagpapasahod sa mga manggagawang Filipino, at matapos mag-sumite ng mga pekeng dokumento ukol sa kanilang trabaho.

Dati nang nakasuhan si Hector Mantolino, 55-anyos, isang operator ng Mantolino Property Services Ltd., ng 56 na bilang ng immigration fraud noong Hunyo ng 2013, na naaayon sa imbestigasyon ng Canada Border Services Agency, inulat ng The Star Halifax.

Sinabi ni Mantolino sa 28 mga manggagawa na magbigay ng walang katotohanang mga pahayag ukol sa kanilang work permit applications simula July 2010 at April 2013. Sinabihan rin niya ang mga ito na magsinungaling na lamang ukol sa kanilang mga sahod kung nais pa nilang manatili sa Canada.

Ayon sa ilan sa mga manggagawa, binabayaran lamang sila ng ‘sing liit ng C$3.13 (PHP124) kada oras matapos ng ilang mga kaltas; samantalang ang minimum wage sa Canada ay nasa US$11.35 (PHP600) kada oras.

Noong Disyembre noong nakaraang taon, napatunayang nagkasala si Mantolino ng misrepresentation under provisions of the Immigration and Refugee Protection Act, na mahigpit na nagbabawal ng “false or misleading information” sa federal government.

Haharap si Mantolino sa pagdinig sa Lunes sa Nova Scotia Supreme Court, na maaaring maghatol sa kaniya ng ‘di bababa sa 15 taong pagkakakulong.

Wala pang inilalabas na pahayag ang korte ukol sa mga kakaharaping mga sentensiya ni Mantolino.

Original: Employer faces possible jail for underpaying Filipino workers

2 replies on “Amo, maaaring makulong matapos ‘di bayaran ng sapat ang mga manggagawang Filipino”

Comments are closed.