Manama, the capital of Bahrain. Photo: Wikimedia Commons

Makatutulong ang bagong labas na Flexi Visa ng Bahrain sa mga 3,000 mga ‘di dokumentadong mga Filipino sa Gulf State upang itama ang kanilang mga status.

Sinabi ng Department of Foregn Affairs na ang Flexi Visa, na inilabas noong Lunes, ay isang residence at work permit na ginawa para sa mga taong walang legal na immigration status sa Bahrain, iniulat ng Rappler.

Kasama sa Flexi Visa ang health insurance at isang return ticket sa oras na matapos ang kontrata, o kaya naman ay kung gusto nang umuwi ng migranteng manggagawa pabalik sa kaniyang bansa. Maaaring i-renew ang via kada dalawang taon.

Ayon sa Sarah Lou Arriola, ang foreign undersecretary para sa Migrant Workers’ Affairs, ang mga naglayas na mga domestic worker sa Bahrain ay masasama na ngayon sa programang Flexi Visa.

“Ito ay naaayon sa plano ng DFA sa pagbibigay-daan para sa regularisasyon ng ating mga Filipinong mga manggagawa, ang implementasyon ng mandato ni Pangulong Rodrigo Duterte upang mas maprotektahan ang ating mga kababayan sa abroad,” sabi ni Arriola.

Original: Bahrain visa program to help 3,000 undocumented Filipinos

Asia Times Financial is now live. Linking accurate news, insightful analysis and local knowledge with the ATF China Bond 50 Index, the world's first benchmark cross sector Chinese Bond Indices. Read ATF now.