Domestic workers gathered in Central, Hong Kong Island. Photo: Wikimedia Commons


Ang mga OFW na natanggal sa kanilang mga trabaho, o mga inabuso ng kanilang mga amo ay maaari nang mag-apply sa PHP20,000 na tulong pangkabuhayan mula sa Overseas Workers Welfare Administration pagkabalik nila ng bansa.

Ayon sa Labor Attache na si Jalilo dela Torre, ang mga na-terminate na mga manggagawa na permanente nang uuwi ay isinasatugon na sa mga opisina ng OWWA sa worker’s regions, iniulat ng sunwebhk.com.

Layunin ng programa na makatulong sa mga naapektuhang mga domestic worker, sa mga mayroong mga kaso laban sa kanilang mga amo, ang mga natanggal sa kadahilanang medikal, o kaya naman ay dahil sa mga among nagkakaproblema na sa usapang pinansyal.

Kasama sa tulong pinansyal ang development training upang mabigyan ang mga domestic worker ng mga karunungan para sa kanilang mga negosyong nais nilang gawin.

Gayunpaman, wala pa masyadong kumakagat sa programa sa loob ng walong taon, dahil masyado umanong maselan ang OWWA sa mga iminumungkahing mga proyekto ng mga balik-bayang mga manggagawa, upang hindi masayang ang tulong pinansyal.

Mayroon lamang 260 na mga OFW ang nakatanggap ng benepisyo hanggang Setyembre ng taong ring ito, ayon sa datos ng Department of Labor and Employment. Ini-launch ang proyekto noong 2010 sa paraang mga starter kits na nagkakahalaga ng PHP10,000, at nagdoble sa PHP20,000 noong 2016.

Ngunit inamin rin ni welfare attaché Marivic Clarin na masyadong mababa ang success rate sa mga nakatanggap ng tulong na ito, “dahil hindi naman lahat talaga ay para sa mundo ng business”. Ang isang nakatanggap, isang ilegal na natanggal na manggagawa mula sa Naga City, ay nagsabing siya’y nag-apply para sa tulong noong January 2016 at nabigyan ng tsekeng PHP10,000. Ini-issue ang tseke sa isang lokal na tindero na nagbigay sa kaniya ng starter kit para sa kaniyang proyekto.

Isa pang dating Hong Kong based na domestic worker na nagtungo ng Russia upang madiskubre lamang niya na isa pala iyong job scam, ay nagsabing sinubukan niyang mag-apply para sa tulong pangkabuhayan ngunit ‘di tinanggap nang sabihin sa kaniyang kailangan niyang permanente nang manatili sa Pilipinas.

Sa probinsya naman ng Nueva Ecija, nabuo ang isang kooperatiba ng mga dating mga OFW at naghahandog rin sila ng mga proyektong pangkabuhayan. Mayroong 85 na mga nakatanggap ng tulong ng OWWA pagkatapos ng third quarter ng taong ito, sinabi ng kanilang presidente na si Cristina Gauuan Reyes.

Nakikipag-ugnayan naman ang kooperatiba sa dalawampung mga nakatanggap naman na ang mga proyekto na babuyan, sari-sari store at pagtitinda ng isda.

Original: OWWA offers aid for terminated Filipino domestic workers

Asia Times Financial is now live. Linking accurate news, insightful analysis and local knowledge with the ATF China Bond 50 Index, the world's first benchmark cross sector Chinese Bond Indices. Read ATF now.