Domestic workers gathered in Central, Hong Kong Island. Photo: Wikimedia Commons
Domestic workers gathered in Central, Hong Kong Island. Photo: Wikimedia Commons

Nais magpalaganap ng kamalayan ang isang OFW group sa kanilang mga kapwa manggagawa sa Hong Kong matapos mamatay ang kanilang 39 na mga miyembro dahil sa cancer simula pa noong 2007.

Sinabi ng Filipino Migrant Cancer Support Society (Filmcass-HK) na ngayong taon, lima sa kanilang mga miyembro ay pumanaw na dahil sa iba’t ibang klase ng cancer, iniulat ng hongkongnews.com.hk.

Ayon sa data na mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), ang cancer ang ikalawa sa mga nangungunang mga sakit ng mga OFW na ipinapauwi na sa Pilipinas sa mula 2014 hanggang 2017.

Upang makapagpalaganap ng kamalayan at maalala ang mga pumanaw, nagsagawa ng concert ang Filmcass-HK sa Hong Kong Island noong October 14, na mayroong mga awit at mga dasal.

Hinimok ni Gemma Solomon, ang Filmcass-HK chair, ang mga manggagawa na maging mas maingat dahil mas tumataas pa ang bilang ng mga nagkakaroon ng cancer sa Hong Kong. Dagdag pa niya’y tumutulong na ang grupo sa limang taong na-diagnose ng cancer sa Hong Kong.

Sinabi ni Solomon na mayroong mababa na ang 50 miyembro ang grupo, kasama na ang mga caregiver, mga pasyente, at mga cancer survivor. Dalawampu na ang nag-survive, kasama na ang tatlong nag-mograte sa Canada, Macau, at Saudi Arabia.

Kita sa datos ng OWWA na ang mga biktima ng stroke ay binubuo ang 36% ng mga Filipino mga manggagawang napauwi na sa Pilipinas, na kasunod ay cancer, mild depression, problema sa baga at problema sa spine.

Original: Filipino workers in Hong Kong who died of cancer remembered