Nakauwi na sa Pilipinas ang OFW na nasagip mula sa death row sa United Arab Emirates.
Inakusahan si Jennifer Dalquez ng pagpatay sa kaniyang amo noong December ng 2014 matapos niya itong saksakin bilang self-defense nang pagtangkaan siya nitong gahasain. Sinentensiyahan ng kamatayan si Dalquez noong 2015 ngunit napatawad noong 2017 at sinentensiyahan na lamang ng pagkakakulong, iniulat ng GMA News.
Sinampahan ng kasong pagnanakaw ng cellphone si Dalquez at sinentensiyahan ng limang taong pagkakakulong. Kinalaunan ay binigyan na rin siya ng pardon at napaiksi ang kaniyang sentensiya. Ipinaalam na sa kaniyang pamilya na nakumpleto na niya ang kaniyang termino sa kulungan noong October 25 ngunit wala silang balita kung kailan ito makauuwi sa Pilipinas.
Noong Biyernes ng umaga, nakalapag na sa wakas si Dalquez sa Manila sa tulong ng gobiyerno ng Pilipinas. Nakipag-ugnayan ang Philippine Embassy sa UAE sa mga awtoridad ng UAE para sa flight ni Dalquez pauwi.
Magbibigay ng tulong pinansiyal kay Dalquez ang Department of Foreign Affairs, Department of Labor and Employment, Department of Social Welfare and Development, at ang Overseas Workers Welfare Administration.
Original: Filipino worker saved from death row finally returns home