Nakita ang isang 1.4 metrong Mozambique spitting cobra malapit sa isang bahay sa Durban, South Africa noong Martes. Nakita ng mga bata sa eskwelahan sa Verulam area ang ahas na gumagapang sa isang bahay noong October 19, iniulat ng News 24.
Ngunit, napawalang halaga ang paghahanap ng mga security company staff member dahil hindi nakita ang ahas sa araw ring iyon.
Noong October 23, muling nakita ang ahas at tumawag na sila ng snake catcher. Dumating si Jason Arnold, ang snake catcher, sa eksena at sinabing ang ahas na natagpuan nila at ang nakita rin nila noong nakaraan ay iisa, dahil territorial ang mga cobra.
Inutusan ng security company na Reaction Unit SA ang isa sa kanilang mga staff na maghukay ng parte ng dike upang mahuli nila ang ahas na nagtatago sa loob ng butas roon.
Ayon kay Arnold, matanda na ang 1.4 metrong cobra na iyon. Sa kabila ng napakamakamandag na kagat ng ahas, hindi naman ito masyadong nakamamatay dahil mabagal itong umepekto, na makapagbibigay sa biktima ng sapat na oras upang makahanap ng tulong na medikal.
Ang mga ahas na nahuhuli ng kumpanya ni Arnold, na Universal Reptiles, ay mga pinakakawalan sa mga nature reserve o kaya naman ay sa ibang lugar. Layunin nilang mapanatiling malayo ang mga hayop sa mga aktibidad ng mga tao hangga’t maaari.
Original: Mozambique spitting cobra caught on camera in South Africa
