The park on Republic Avenue, Singapore. Photo: Google Maps
The park on Republic Avenue, Singapore. Photo: Google Maps

Nagsulat ang isang residente sa isang local na pahayagan sa Singapore ukol sa “masamang” impluwensya na nagagawa ng mga migrante at mga banyagang mga domestic worker na naglalaro ng mga baraha at nagsusugal sa publiko kada Linggo.

Sinabi ng isang 55-anyos na lalaki sa Shin Min Daily News na makakakita ng mga nasa 100 mga banyagang mga domestic worker na nagtitipon sa labas ng Nicoll Highway MRT Station, at sa malapit na parke sa Republic Avenue.

Katanggap-tanggap naman ang mga kumakain at mga nagkukuwentuhan sa labas, sabi ng residente, ngunit sa nakalipas na anim na buwan, mas tumataas na ang bilang ng mga manggagawang naglalaro ng baraha at nagpupustahan sa publiko na kalimitan ay mula sa ala-1 ng hapon hanggang sa lumubog ang araw.

Mga grupo ng lima o kaya naman ay anim na mga babae ang mga umuupo ng paikot, na mayroong mga perang S$10 at S$50 sa gitna nila.

Sinabi ng lalaki na delikado itong bilog na kinaadikan ng mga banyagang mga manggagawa ng pagsusugal at baka mangutang na sila nang palihim sa mga loan sharks, na mas makakapagpalala pa ng mga social problems.

Bumisita ang mga reporter sa parke noong Linggo (November 4) at nakatagpo ng mahigit sa 40 na mga banyagang mga babae’t lalaki na ‘di umano’y mga nagsusugal sa bakuran.

Kung valid nga ang report, maaring lumabag ang mga nadamay sa Common Gambling House Act. At kung sino mang mga taong mga lumabag sa batas na ito ay maaaring makulong ng hanggang sa anim ba buwan o mapagmulta ng hanggang sa S$5,000, o kaya naman ay pareho.

Original: Migrant, domestic workers accused of gambling in public