Domestic workers in Hong Kong. Photo: Asia Times
Domestic workers in Hong Kong. Photo: Asia Times


Hinihimok na ng isang mambabatas ng Philippines House of Representative ang gobiyerno ng Pilipinas na isulong ang “live-out” arrangements para sa mga Filipinong domestic worker upang maprotektahan sila sa pang-aabuso ng kanilang mga amo.

Ayon kay Francisco Aguilar Jr., ang spokesperson ng ACTS OFW party-list sa House of Representatives, mas malapit sa kapahamakan o pang-aabuso ang mga Filipinong domestic worker abroad, lalong lalo na sa Middle East, kapag sila’y naninirahan kasama ang kanilang mga amo, iniulat ng GMA News.

“Upang mapigilan itong kapahamakan na ito, kailangan nating hikayatin ang mga live-out scheme para sa ating mga domestic worker sa oras na makumpleto nila ang kanilang shift sa trabaho”, sabi ni Aguilar.

Dagdag pa ni Aguilar na makakatamo pa ang mga domestic worker ng mga mas maaayos na pahinga at tulog, at magkakaroon pa ng mas maiging privacy kung hindi sila nananatili kasama ang kanilang mga amo. Bilang halimbawa, binanggit niya na ang mga Filipinong mga kasambahay sa Japan ay maaaring umalis na sa kanilang lugar ng pinagtatrabahuhan matapos nilang makumpleto ang kanilang eight-hour shift.

Sinabi ni Aguilar na ang panawagan para sa live-out scheme ay naitugon lamang matapos ng kamatayan ni Emerita Gannaban, isang Filipinong domestic worker, na namatay dahil sa panlalason sa Saudi Arabia. Ayon sa pamilya ni Gannaban, nagreklamo na ang domestic worker tungkol sa pangmamaltrato ng kaniyang amo, at sa pagkukulong nito sa kaniya sa banyo at ‘di pagpapakain.

Original: Manila urged to push for live-out scheme for domestic workers