Three Filipino jobseekers allegedly fell victim to illegal recruiters, who were not authorized to deploy people to work abroad and promised jobs as domestic workers in Dubai. Photo: Wikimedia Commons
Three Filipino jobseekers allegedly fell victim to illegal recruiters, who were not authorized to deploy people to work abroad and promised jobs as domestic workers in Dubai. Photo: Wikimedia Commons


Inaresto ang magkasintahan sa Pilipinas dahil sa ilegal na pagpapadala ‘di umano ng mga Filipino sa Middle East upang magtrabaho bilang mga domestic worker.

Inaresto sina Eladio Cabrera at Melissa Cadorna sa Pedro Gil, sa Paco, Manila, noong Huwebes ng mga opisyales ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), isang unit na lumalaban sa mga krimeng transnasyonal, matapos magsampa ng tatlong biktima ng reklamo laban sa kanila, iniulat ng ABS-CBN News.

Ayon sa mga biktima, sila’y mga nagpaunang bayad sa magkasintahan ng PHP20,000 para sa affidavit of sponsorship mula sa Philippine Consulate sa Dubai, at sinabihan pa silang magbayad pa ng dagdag na PHP30,000 para naman sa processing fee.

Sinabihan ang mga biktima na sila’y ipadadala na sa Oktubre, ngunit nalaman nilang hindi naman pala awtorisado ng Philippine Overseas Employment Administration ang mga suspek upang mag-recruit ng mga Filipino sa abroad.

Ayon kay Superintendent Roque Merdegia Jr. ng CIDG-ATCU, pineke ng mga suspek ang mga dokumento ng tatlong biktima at inilipad ang mga ito sa iba pang bansa sa Middle East bago sila bigyan ng transport patungong sa Dubai, kung saan sila’y magtatrabaho bilang mga domestic worker.

Ang mga suspek ay sinampahan ng mga kasong illegal recruitment, swindling, at falsification of public documents.

Original: Couple nabbed for illegally sending workers to Middle East