Pagdating sa mga reptile, wala nang higit na lalaki pa – nakahuli ang isang trapper sa Florida ng isang 17-foot na Burmese python sa Everglades ngayong buwan ring ito.
Ayon sa isang ulat na inilabas ng South Florida Water Management District, nangangaso ang trapper na si Kyle Penniston sa Miami-Dade County nang mahuli niya ang dambuhalang python noong November 19, iniulat ng The Virginian Pilot.
Napag-alaman ng mga opisyal na ang bigat ng ahas ay umabot sa 120 pounds. Ito rin ang ikatlo sa mga ahas na ganoong kalaki sa Python Elimination Program na nagsusugpo ng mga ahas sa Everglades. Sa kabuuan, 1,869 na na mga ahas ang nasusugpo sa lugar; si Penniston ay pumapangalawa sa pinakamaraming nahuling ahas, 235, at nangunguna naman si Brian Hargrove na nakahuli ng 257 na mga ahas.
Ayon sa mga eksperto, walang mga predator ang mga Burmese python sa Everglade, at nakapagbigay daan ito sa kanila na maging salot sa native na wildlife sa lugar.
Inakalang ang mga Burmese python ay matatagpuan lamang sa Florida dahil sa mga exotic pet trade, at native lamang ang mga ahas na ito sa Asya. Kahit na hindi makamandag ang mga python na ito at kalimitan ay ginagawang mga alaga, ang kanilang mga dambuhalang laki ay madalas nagiging sanhi ng upang ‘di na sila maalagaan ng kanilang mga amo nang maayos.
Original: Man finds record-breaking 17-foot python in Florida