Inireklamo ang Amerikano matapos makatagpo ang mga awtoridad ng mga makamandag na ahas sa tabi ng kolong-kolong ng kaniyang sanggol sa loob ng kaniyang bahay sa Georgia, USA.
Ni-raid ng mga imbestigador mula sa Jackson County Sheriff’s Office ang bahay ni Gregory Alan Frederick, 28-anyos, upang maghanap ng mga ilegal na droga. Ngunit, nakadiskubre sila ng tatlong ahas, isang Monocled cobra at dalawang Gaboon viper, katabi lamang ng kolong-kolong ng sanggol, iniulat ng The State.
Tinawagan ang mga ranger mula sa Georgia Department of Natural Resources upang hulihin ang mga ahas, na ilegal na alagaan nang walang permit. Sinabi ni Sheriff Janis G. Mangum na ipinaalam na ang sitwasyon sa Department of Family and Children’s Services.
“Sa oras na natagpuan ang mga ahas, mayroong bata sa loob ng bahay. Napakadelikado no’n para sa mga tao sa loob ng bahay na ‘yon, lalong lalo na sa bata”, sabi ni Mangum.
Bukod sa mga ahas, nakatagpo rin sila ng isang kahon ng mga pagong sa loob ng bahay, na ilegal ring alagaan. Sinampahan ng reklamo si Frederick ng nine counts of unlawful possession of reptiles.
Original: Man charged after he leaves child at home alone with snakes