Hamamatsu City in Shizuoka Prefecture, Japan. Photo: Wikimedia Commons

Inaresto ang lalaking Japanese sa pagpatay sa kaniyang dating kalaguyong Filipina sa isang restaurant sa Shizouka Prefecture sa Japan.

Noong mga 11:20pm ng Huwebes, sinaksak ‘di umano ni Yasumasa Yamaguchi, 45-anyos, si Rowena Casimiro sa isang restaurant na madalas nilang puntahan sa lungsod ng Hamamatsu, iniulat ng The Japan Times.

Natagpuan na lamang na nakasalampak na sa lapag si Haga na mayroong sandamakmak na mga saksak sa kaniyang dibdib. Inisugod ang Filipina sa isang ospital, ngunit nasawi na dahil sa kaniyang mga sugat noong kinaumagahan ng Biyernes.

Sinubukang tumakas ng suspek gamit ang kaniyang sasakyan, ngunit ay naaresto rin sa isang kalsada, dalawang kilometro ang layo sa eksena ng krimen, makalipas ng apat na oras.

Ayon sa mga pulis, nagtapos ang relasyon nina Haga at Yamaguchi noong Hunyo.

Nagreklamo na ang Filipina na siya’y lihim na sinusubaybayan ni Yamaguchi. Binalaan na ng mga pulis ang suspek na hindi na lapitan ang Filipina noong Hunyo matapos niyang pasukin ang bahay ng babae.

Original: Man arrested for stabbing Filipina to death in Japan

Asia Times Financial is now live. Linking accurate news, insightful analysis and local knowledge with the ATF China Bond 50 Index, the world's first benchmark cross sector Chinese Bond Indices. Read ATF now.