Jalan Gasing in Malaysia where the incident took place. Photo: Google Maps
Jalan Gasing in Malaysia where the incident took place. Photo: Google Maps

Isang Malaysian ang hinatulan ng anim na taon na pagkakakulong at dalawang hampas ng kawayan dahil sa pagnanakaw sa isang Filipinang domestic worker sa isang bus stop sa Malaysia noong nakaraang buwan.

Alas-7:30 ng umaga, ika-30 ng Oktubre, si Mohd Zulfakor Mat Daud, may edad 28, ay nilapitan si Rochelle Robledo, 25-taong gulang, na naghihintay sa bus sa siyudad ng Jalan Gising. Nagtanong si Daud ng direksyon kay Robledo at matapos nito ay sabay agaw sa cellphone ng Filipina, ulat ayon sa The Sun Daily.

Nagulantang si Robledo at hinabol ang lalaki. Isang pulis patrol na nasa lugar din ang nakihabol at nahuli ang magnanakaw.

Sinampahan ito ng kasong pagnanakaw sa ilalim ng Section 392 ng Penal Code. Inapila ng mga awtoridad sa korte ang pagkulong sa lalaki, dahil na rin sa dati pa nitong mga pagkakaaresto ma umabot ng 9 na beses ngunit kailan man ay hindi sinampahan ng kaso.

Nag-plead ang lalaki ng guilty sa kaniyang kaso at hinatulan ng pagkakakulong ng anim na taon at dalawang hampas ng kawayan. Sa bansang Malaysia, ang pinaka-mahabang sistensiya sa pagnanakaw ay pagkakakulong ng halos 14 na taon, piyansa o paghampas.

Original: Man jailed six years for robbing Filipino domestic worker