Beijing, the capital of China, where there is a demand for English teachers. Photo: Wikimedia Commons
Beijing, the capital of China, where there is a demand for English teachers. Photo: Wikimedia Commons

Mayroong higit sa 100,000 na mga teaching position ang inio-offer sa mga Filipino upang tulungan ang mga estudyante ng China na matuto ng English. Ayon kay Dr. Zhang Hang, isang Chinese na guro ng wika at isang researcher sa College of International Relations ng Huaqiao University, karamihan sa mga Chinese national ay hindi na nakaiintindi lalo na’t makapagsalita ng English, iniulat ng The Filipino Times.

Ayon kay Dr. Hang, na nagsalita para sa mga estudyante at mga batang mga propesyonal na sumali sa China-Philippines Youth Exchange Program, kilala ang Pilipinas sa kanilang mainam na programa ng kanilang edukasyon sa wikang English. Sinabi niyang kayang magtulungan ng dalawang bansa sa palitan ng education at mas mapapaigting ang relasyon ng China at ng Pilipinas.

Noong Abril, nagsasaayos na ang dalawang bansa ng kasunduan na makakapagbigay-daan sa mga Filipinos upang magturo ng English sa China. Sinabi ni Chito Sta. Romana, ang ambassador ng Pilipinas sa China, mayroong patuloy na pangangailangan ang China upang matuto ng nasabing wika.

Mayroon dapat na bachelor’s degree ang mga Filipinong nais magturo ng wikang English sa China, mayroong certification ng Teaching English as a Foreign Language, dalawang taong work experience, native English speaker, at dapat nasa edad 24 hanggang 55 lamang.

Original: More than 100,000 Filipino English teachers needed in China