Taipei, Taiwan. Photo: Wikimedia Commons
Taipei, Taiwan. Photo: Wikimedia Commons

Ang babaeng mula sa Pilipinas na naghanap ng mas maginhawang buhay sa Taiwan ay inakyat ang career ladder mula bilang isang bartender hanggang sa pagiging restaurant manager at shareholder.

Si Melina Imperio Lim, na mayroong degree sa behavioral sciences mula sa University of Santo Tomas sa Pilipinas, ay nagtungo sa Taiwan sa edad na 25, at nagtrabaho sa isang restaurant bilang isang bartender, iniulat ng Taiwan News.

Sabi ni Lim, nagtungo siya sa Taiwan upang humanap ng mas maginhawang buhay at mas magandang mga oprtunidad. Matapos ng maikling panahon na pagtatrabaho bilang isang bartender, napagod na siya rito at naisip niyang hindi bagay ang trabahong iyon para sa kaniya. Nagdesisyon siyang bumalik na muna ng Pilipinas upang saglit na makapagpahinga.

Habang siya’y nasa Pilipinas, tumawag ang kaniyang mga katrabaho sa Taiwan, at sinabihan siyang bumalik roon sa lalong madaling panahon.

“Kinailangan ng restaurant ang aking tulong. Sinabi ng mga kaibigan ko na bumalik na ako, at tinulungan ko silang i-manage ang lugar. Kaya ako bumalik ng Taiwan”, sabi ni Lim.

Bumalik si Lim sa Taiwan at nanatili roon ng mahigit sa 20 taon. Siya’y naging manager ng restaurant sa Taipei at kinalaunan ay naging shareholder nito.

Sinabi niyang kaya niyang piliing manirahan na lamang sa United States dahil ang mga kamag-anak niya ay kalimitan ay mga US citizen, ngunit mas pinili niyang palaguin ang kaniyang career sa Taiwan dahil naging ikalawa na niya itong tahanan.

Ngayon ay siya na ay isang boss, sa tingin niya’y masyadong maraming proteksyon ang mga manggagawa sa ilalim ng mga batas ng Taiwan, at dapat mayroon ring mas maraming proteksyon ang mga amo.

Original: Filipino climbs career ladder seeking better life in Taiwan