Filipino flight attendant Patrisha Organo helped a passenger's hungry baby by offering to breast feed her. Photo: Facebook/ Patrisha Organo
Filipino flight attendant Patrisha Organo helped a passenger's hungry baby by offering to breast feed her. Photo: Facebook/ Patrisha Organo

Tinulungan ng Filipinang flight attendant ang isang pasaherong ina sa pagpapasuso ng anak nito dahil naubusan na ito ng formula.

Noong Martes ng umaga sa Philippine Airlines domestic flight, narinig ni Patrisha Organo, 24-anyos, ang iyak ng isang sanggol matapos na lumipad ng kanilang eroplano, iniulat ng GMA News.

Nang lapitan ni Organo ang ina ng sanggol, nalaman niyang naubusan na ito ng formula milk at hindi niya mapakalma ang kaniyang anak. Nagkaroon ng ideya ang flight attendant, na nanganak na siyam na buwan na ang nakalilipas at nalaman niyang walang formula milk sa kanilang eroplano.

“Naisip ko sa aking sarili na mayroon lamang akong isang bagay na maaaring maibigay, at iyon ang aking sariling gatas. Kaya ko ito inialok”, sabi ni Organo.

Tinulungan ni Organo at ng isa pang flight attendant ang ina at ang kaniyang anak, at dinala nila ang mga ito sa gallery ng eroplano, kung saan pinasuso ni Organo ang sanggol hanggang sa ito’y makatulog. Ipinost ni Organo ang kaniyang kuwento sa Facebook noong Miyerkules, na nakatanggap na ng 25,000 mga shares at 5,400 na mga comments.

Ayon kay Organo, nakarating ang ina sa airport ng 9pm ng Lunes para sa flight na naka-schedule na mag-depart ng 5am ng Martes, na maaaring naging sanhi kung bakit ito naubusan ng formula milk.

Original: Filipino flight attendant breastfeeds passenger’s infant