Stockholm, Sweden. Photo: Wikimedia Commons


Nailibing na sa Stockholm ang isang Filipinang namatay sa pambubugbog ng kaniyang mister sa Sweden.

Napatay noong September 23 si Mailyn Conde Sinambong ng kaniyang asawa, si Steve Abou Bakr Aalam, 50-anyos, isang Sweding actor-director, sa loob ng kanilang bahay sa northwest Stockholm.

Napuruhan si Sinambong, at nakapag-alila ng kaniyang dalawang anak, edad 4 at 10, iniulat ng PTV News.

Noong Martes, sinabi ni Elmer Cato, ang assistant secretary ng Department of Foreign Affair, na hindi na pauuwiin pa ang mga labi ni Sinambong sa Pilipinas dahil nailibing na ito sa Stockholm, dalawang buwan matapos ng kaniyang pagkamatay.

“Inilibing na siya sa Norra Begravningsplaten cemetery at nakiramay na ang kaniyang kapatid na lalaki at ang kaniyang pinsan na mula pa sa Pilipinas, ang kaniyang dalawang anak, kaniyang tita at pinsan  na mula sa Norway, at ang kaniyang mga biyanan,” sabi ni Cato.

Sinabihan na ng mga awtoridad ng Sweden ang pamilya ni Sinambong na matatamo nila ang hustisya.

Noong nakaraang linggo, nakipagkita na ang mga Swedish prosecutor sa kapatid ni Sinambong at sa kaniyang pinsan upang pag-usapan na ang kasong pagpatay na isinampa laban kay Aalam, na umamin na rin umanong pinatay ang kaniyang asawa sa Kista.

Original: Filipina beaten to death by husband buried in Sweden

Asia Times Financial is now live. Linking accurate news, insightful analysis and local knowledge with the ATF China Bond 50 Index, the world's first benchmark cross sector Chinese Bond Indices. Read ATF now.