Ajman in the United Arab Emirates. Photo: Wikimedia Commons


Namatay ang isang batang Filipinang manggagawa sa Ajman sa United Arab Emirates matapos mahulog mula sa ikatlong palapag ng isang gusali noong nakaraang linggo.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) ng Pilipinas, nahulog ang 22-anyos na babae mula sa ikatlong palapag ng gusali noong Biyernes, iniulat ng GMA News.

Isinugod ang Filipina sa Sheikh Khalifa Hospital, kung saan siya’y idineklara nang dead on arrival.

Hindi nagbanggit ng kahit anong impormasyon ang departamento ukol sa pagkakakilanlan ng Filipina, o kung saan man siya nagmula.

Ayon kay Paul Raymund Cortes, ang consul general sa Philippine Consulate General sa Dubai, nakikipag-ugnayan na ang mga opisyales sa mga lokal na awtoridad ukol sa pag-iimbestiga ng kamatayan ng Filipina.

“Sinabi ni Consul General Cortes na nakikipag-ugnayan na ang Consulate General sa pamilya ng biktima, pati na rin sa mga awtoridad ng Ajman ukol sa pag-iimbestiga ng kaniyang kamatayan, at sa pagpapauwi ng kaniyang mga labi”, sabi ng DFA.

Patuloy pa rin ang pangangalap ng mga karagdagang mga impormasyon sa kaso, ayon sa kanila.

Ang Ajman ang isa sa pitong mga emirate, o estado, sa UAE. Nasa 250,000 ang populasyon ng lungsod.

Original: Filipina dies after falling from building in UAE

Asia Times Financial is now live. Linking accurate news, insightful analysis and local knowledge with the ATF China Bond 50 Index, the world's first benchmark cross sector Chinese Bond Indices. Read ATF now.