The Al Zahra Hospital. Photo: Google Maps
The Al Zahra Hospital. Photo: Google Maps


Nabigyan ang isang Filipina ng dalawang bagong heart valves at ni-repair ng mga surgeon ang ikatlo sa isang komplikadong surgery sa UAE noong nakaraang buwan. Si Jennifer Rose Diaz, isang 29-anyos na accountant, ay sumailalim sa isang komplikadong operasyon sa Al Zahra Hospital ng Sharjah, matapos tanggihan ng ilang mga ospital dahil sa mga panganib na maaaring mangyari, iniulat ng Gulf News.

Isinagawa ni cardiologist Dr. Rafik Abu Samrah ang surgery, na nakapagpalit sa dalawang heart valve ni Diaz, at ni-repair pa ang isa, matapos itong mga ma-damage ng isang rare rheumatic heart disease.

Ipinaliwanag ni Dr. Abu Samrah ang kondisyon, sinabing maaaring nagtamo si Diaz ng rheumatic liver, na naging sanhi ng mga impeksyon sa kaniyang puso, at ma-damage ang mga valve ng kaniyang puso.

Napag-alamang may kamahalan ang surgery. Ayon sa ibang mga ospital, aabot ang surgery ng higit sa US$70,796 (PHP3.7M), nakipagkasundo ang Al Zahra na bayaran ang kalahati nito, o US$35,398 (PHP1.85M). Binayaran ng kaniyang insurance company ang US$21,783 (PHP1.14M), at nakakalap siya ng US$13,614 (PHP712,700) sa tulong ng kaniyang mga kaibigan.

Ipinanganak sa isang pamilyang may anim na anak, si Diaz ay nagtatrabaho sa Ras Al Khaimah. Dati, hindi siya makatulog nang maayos dahil sa regular na kawalan ng hininga at intense heart palpitations, na kalimitan ay nagiging sanhi ng kaniyang fatigue.

Matapos na matapos ng surgery, sa wakas ay mahimbing nang nakatulog si Diaz.

Original: Filipina gets two new heart valves after rare surgery