Tseung Kwan O Hospital in the New Territories. Many Hong Kong hospitals had a shortage of beds for those with the flu. Photo: Wikimedia Commons


Pinabulaanan ng Philippine Consulate at ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang Facebook post na nagpapahayag na naging sanhi ng pagkamatay ng Filipinang domestic worker ang pagpapabaya, na pumanaw sa ospital noong Linggo.

Si Josephine Kimmayong, 32-anyos, may apat na anak mula sa La Union, ay mayroong cancer sa tiyan, at namatay 10 araw matapos i-admit sa Tseung Kwan O Hospital, iniulat ng sunwebhk.com.

Isang taon pa lamang na namamasukan si Kimmayong sa kaniyang mga among Chinese sa Corinthian by the Sea sa Tseung Kwan O. Ayon sa isang Facebook post ni Mel Santiago, na nagsabing siya’y naninirahan sa kaparehong gusali, madalas nang nagrereklamo si Kimmayong sa paulit-ulit na sakit sa kaniyang tiyan at dibdib ilang linggo na ang nakalilipas bago siya magtungo sa ospital. Ayon kay Santiago, sinabi na ni Kimmayong ang kaniyang kondisyon, ngunit ipinasawalang bahala lamang nila ito.

Sinasabi ni Santiago na dapat imbestigahan ang mga amo ni Kimmayong, na ipinaparatang na hindi ito dinala para sa medical treatment sa kabila ng pagrereklamo nito ng ilang linggo ukol sa sakit nito sa tiyan. Handa siyang tumestigo sa kahit anong imbestigasyon.

Ngunit ayon sa mga opisyales ng gobiyerno ng Pilipinas, mayroon nang mga medical report na nagsasabing ilang beses nang nagpacheck-up si Kimmayong bago siya i-admit sa ospital. Pinabulaanan rin ng pinsan ni Kimmayong ang paratang, na sinabing nagkasundo na ang pamilya na wala talagang ginawang masama ang mga amo nito.

Inalok pa ng amo nito na makalipad pa ang mister ni Kimmayong patungong Hong Kong at bisitahin ang kaniyang misis sa ospital, ngunit pumanaw na ito bago pa man sila makapag-asikaso ng mga detalye.

Sinabihan na lamang ang mister na gumawa na lamang ng letter of acceptance para sa pagpapauwi ng mga labi ng kaniyang misis, na maaaring mangyari sa November 30, kung makakuha na sila ng clearance mula sa korte ni Coroner bago pa man sumapit ang araw na iyon. Babayaran ng insurance ng amo ang pagpapauwi.

Ayon kay Consul Paul Saret, ang head ng PCG-Assistance to Nationals Section, na-confine ang manggagawa sa ospital at matapos ng ilang mga test, saka lamang nadiskubre na mayroon na pala siyang Stage 4 colon cancer na nakapagpahawa na rin sa kaniyang baga, iniulat ng hongkongnews.com.hk.

Sinabi rin ni Saret na tinutulungan na ng consulate ang pamilya ng manggagawa upang makuha nila ang mga benefits mula sa OWWA.

Original: Consulate refutes claim domestic worker died of neglect

Asia Times Financial is now live. Linking accurate news, insightful analysis and local knowledge with the ATF China Bond 50 Index, the world's first benchmark cross sector Chinese Bond Indices. Read ATF now. 

4 replies on “Consulate, pinabulaanan ang paratang na namatay ang domestic worker dahil sa pagpapabaya”

Comments are closed.