Anan fooled the police guard and escaped from his cell. Photo: YouTube


Nakatakas ang isang bilanggo sa Thailand matapos niyang lokohin ang isang guwardiya na mayroong nakapasok na ahas sa loob ng kaniyang kulungan. Noong November 19, tumawag ng saklolo ang bilanggong si Anan Komolwanit, 23-anyos, na nagsabing mayroong nakapasok ‘di umanong cobra sa kaniyang kulungan, iniulat ng LiveLeak.

Si Ratchada Supawong, isang pulis na nagbabantay ng mga kulungan sa Sena district police station sa probinsya ng Ayuthaya, ay napaniwala ng isang bilanggo na may nakapasok na ahas sa loob ng kulungan nito. Habang hinahanap ni Ratchada ang ahas sa loob ng kulungan, maingat na lumabas ito ng pinto, ikinandado ang pulis, sabay ito’y nanakbo.

Huli sa CCTV footage ang pagtakas ni Anan sa kaniyang kulungan. Ang malala pa ay nakita sa isang security camera si Anan na nananakbo sa labas ng police station at hinahabol ng isa pang pulis, na nadapa at sumalampak ang mukha sa lapag.

Higit sa 200 mga volunteers at mga pulis ay nagsama-sama sa paghahanap, at natagpuan si Anan kinabukasan na nagtatago sa likod ng isang puno ng saging.

Naaresto na si Anan noong November 18, matapos siyang makitaan ng mga methamphetamine pills. Siya ngayon ay humaharap na sa mga karagdagang reklamo ukol sa kaniyang pagtakas sa kustodiya.

Original: Thai prisoner fools guard and makes a break for freedom

Asia Times Financial is now live. Linking accurate news, insightful analysis and local knowledge with the ATF China Bond 50 Index, the world's first benchmark cross sector Chinese Bond Indices. Read ATF now.