Pasig City in the Philippines. Photo: Wikimedia Commons
Pasig City in the Philippines. Photo: Wikimedia Commons


Natagpuan ang bangkay ng isang Filipinang kasambahay sa loob ng bahay ng kaniyang amo sa Pasig City sa Pilipinas, dalawa hanggang sa tatlong buwan na ang nakalilipas matapos ng kaniyang pagkamatay. Ang mga labi ni Amelia Villacarlos Firmeza, 37-anyos, na sampung taon nang namamasukan sa kaniyang amo, ay natagpuan ng OFW na anak ng amo nito na si Lance Muñoz nang umuwi siya noong Lunes.

Napansin ni Muñoz ang amoy na nakapagturo sa kaniya sa bangkay, iniulat ng GMA News. Ayon sa Philippine National Police – Scene of the Crime Operative (PNP-SOCO), nakabalot ang bangkay sa kumot at na-“mummify”.

Ayon sa paunang imbestigasyon, nagtamo ng mga sugat ang babae sa kaniyang kanang pisngi, at nakatagpo ng mga butas sa iba’t ibang parte ng kaniyang katawan at leeg.  Tinitingnan pa ng mga pulis kung ang mga butas ba ay gawa ng bala o kutsilyo, at patuloy pa rin ang imbestigasyon.

Tinantsa ng PNP-SOCO na namatay na ang babae dalawa hanggang sa tatlong buwan na ang naklilipas. Itinalaga ng mga pulis ang amo na si Rene Muñoz, at ang kaniyang anak bilang mga persons of interest. Itinanggi ng amo na mayroon siyang kinalaman sa insidente, na sinabing siya’y nasa Cebu simula pa noong Abril, dahil mayroon siyang negosyo roon.

Original: Maid’s body found at employer’s home months after her death

22 replies on “Bangkay ng kasambahay, natagpuan sa bahay ng kaniyang amo, ilang buwan pagkalipas ng kaniyang pagkamatay”

Comments are closed.