The backyard where the boar was shot dead. Photo: YouTube

Pinahabol ng isang ligaw na baboy ramo ang mga animal control officer sa lugar ng eskwelahan sa Texas bago ito nasukol sa isang likod bahay ng isang kalapit na bahay at barilin ng mga pulis.

Ayon, sa Brownfield High School sa Lubbock, tumawag na sila ng mga awtoridad nang makita nilang hinahabol ang baboy ramo papunta sa eskwelahan mula sa isang katabing likod-bahay.

“Pinagpaalaman na sa mga awtoridad at sa game warden ang insidente at sila’y nagtulungan upang maitaboy ang baboy ramo palayo sa eskwelahan”, sinabi ng eskwelahan sa mga magulang. “Upang masigurado ang kaligtasan ng mga estudyante, binaril na ang baboy ramo at pinatay na ng mga awtoridad.”

Sinukol ng mga pulis ang baboy ramo sa isang lugar na malapit sa eskwelahan at tatlong beses na nagpaputok, na pumatay sa hayop, iniulat ng everythinglubbock.com. Walang nasugatan sa eskwelahan o kahit sa mga pulis na rumesponde.

Original: Wild boar gunned down after rampaging through school grounds

Asia Times Financial is now live. Linking accurate news, insightful analysis and local knowledge with the ATF China Bond 50 Index, the world's first benchmark cross sector Chinese Bond Indices. Read ATF now.