Immigration Department in Wan Chai, Hong Kong. Photo: Google Maps


Muntik nang makulong ang may edad nang ama ng isang lalaki dahil sa hindi nito pagre-renew ng kaniyang dependent visa upang manatili sa Hong Kong ng mahigit sa tatlong taon.

Napatunayang nagkasala si Jerykson de Leon, 27-anyos, sa Shatin Magistrates Court noong Miyerkules sa paglabag sa mga kondisyon ng pananatili niya, habang ang kaniyang ama na si Li Chi-hung, isang Taiwanese, 67-anyos, ay napatunayang nagkasala sa pagtulong at pagpapalala ng paglabag, iniulat ng sunwebhk.com.

Sinentensiyahan ni Magistrate Wong Sze-lai ang lalaki ng 16 na araw na pagkakakulong, sinuspinde ng isang taon, habang ang kaniyang ama ay sinentensiyahan ng dalawang buwang pagkakakulong, at sinuspinde ng 18 buwan.

Dininig ng korte na si De Leon ay anak ni Li sa isang Filipina na nagdesisyong ibalik ang lalaki sa Pilipinas noong bata pa ito. Noong 2010, nagtungo si De Leon sa Hong Kong upang makasama ang kaniyang ama.

Sinabi ng defense lawyer na ang ama, na isang night-shift security guard, ay alam naman na mage-expire na ang visa ng kaniyang anak sa February 2016, at pinaalalahanan na niya ito na mag-apply ng extension. Binigyan niya ang kaniyang anak ng HK$1,000 (o mahigit sa PHP6,680) upang i-renew ang visa nito.

Gayunpaman, hindi ito nagawa ng anak dahil nawala niya ang kaniyang passport at ang kaniyang Hong Kong identity card at hindi pa niya ito napapalitan.

Nagtungo ang ama sa Philippine Consulate upang mag-apply ng bagong passport para sa kaniyang anak at sinamahan pa niya ito sa Immigration upang sumuko dahil sa pago-overstay.

Pinagsabihan ng magistrate ang batang lalaki sa kaniyang katamaran matapos siyang makulong.

“Nag-overstay ka sa Hong Kong. Tamad ka. Bata ka pa, kailangan mong magtrabaho, at hindi ka dapat tumatambay-tambay lamang sa bahay”, sabi ni Wong.

Original: Father, son escape jail after breaching immigration rules

Asia Times Financial is now live. Linking accurate news, insightful analysis and local knowledge with the ATF China Bond 50 Index, the world's first benchmark cross sector Chinese Bond Indices. Read ATF now.