Nakikipag-ugnay na ang gobyerno ng Pilipinas sa mga awtoridad sa Nigeria at Switzerland upang masagip ang pitong Filipinong mga seafarer na kinidnap sa may dalampasigan lamang ng Nigeria.
Noong Martes, sinabi ng Department of Foreign Affairs ng Pilipinas sa isang pahayag na ang isang dosenang miyembro ng isang barkong pagmamay-ari ng Swiss ay kinuha ng mga armadong mga lalaki, at sa mga iyon ay pito ang mga Filipino.
Ang mga embahada ng Pilipinas sa Abuja at Bern ay nakikipag-ugnayan na sa mga awtoridad ng Nigeria at Switzerland upang makakuha pa ng mga karagdagang impormasyon tungkol sa mga posibleng mga kinaroroonan ng mga kinidnap na mga miyembro.
Napag-alamang ang barko ay mula sa Lagos patungong Port Harcourt, Nigeria nang tambangan sila ng mga armadong mga lalaki at kinidnap ang 12 ng 19 na mga miyembro ng crew. Sinabi ng ambassador ng Pilipinas sa Nigeria na si Shirley Ho Vicario, na limang mga Filipino at dalawa pang ibang tao ang iniwan sa barko. Hindi pa nalalaman ang motibo ng pangkikidnap.
Inutusan na ni Foreign Affairs Secretary Allan Peter Cayetano ang Office of Migrant Worker Affairs na balitaan at tulungan na ang mga pamilya ng mga kinidnap na mga Filipino sa Pilipinas.