Abu Dhabi, UAE. Photo: iStock
Abu Dhabi, UAE. Photo: iStock


Ang lalaking Filipino na sinampahan ng kasong premeditated murder sa pagpatay sa kaniyang tiyahin dalawang taon na ang nakararaan ay napatawad na ng pamilya ng biktima sa Abu Dhabi, matapos nitong bayaran ang ‘blood money’.

Noong 2016, pinatay ng lalaki ang kaniyang tiyahin sa Mussafah area ng Abu Dhabi dahil sa kanilang alitan ukol sa kaniyang utang rito na nagkakahalagang 10,000 dirhams (o PHP148,000). Matapos niya itong patayin, ibinaon ng lalaki ang mga parte ng katawan nito sa disyerto, iniulat ng Khaleej Times.

Lumutang ang insidente noong May 27, 2016 nang ipagpaalam ng isang tagalinis ng Dubai Municipality sa mga pulis na nakatagpo siya ng naagnas na pugot na ulo.

Sa Abu Dhabi Court of First Instance, dininig ng korte na pinipilit ng tiyahin ang lalaki na bayaran nito ang utang nito sa kaniya. Pagkatapos ay maraming beses na sinaksak ng lalaki ang babae hanggang sa ito’y mamatay.

Tinakpan ng lalaki ang katawan ng babae at nagmaneho pabalik sa Dubai sakay ang bangkay. Pinugot niya ang ulo nito at pinutol ang mga kamay, pagkatapos ay sinunog niya ito, at dinala niya ang mga ito sa Ajman upang ibaon sa mga mabuhanging mga lupain.

Noong Huwebes, napatunayang nagkasala ang Filipino sa kasong premeditated murder. Gayunpaman, sinabihan ang korte na pinatawad na ang lalaki ng pamilya ng biktima kapalit ang blood money.

Original: Alleged murderer pardoned after he hands over ‘blood money’