Filipino migrant workers Conrado Sevilleja and Bernardo Salib-o and their families were honored with the 2018 Model OFW Family of the Year Award. Photo: Facebook/ Philippine Information Agency Cordillera
Filipino migrant workers Conrado Sevilleja and Bernardo Salib-o and their families were honored with the 2018 Model OFW Family of the Year Award. Photo: Facebook/ Philippine Information Agency Cordillera


Binigyan ng parangal ang dalawang OFW at ang kanilang mga pamilya ng 2018 Model OFW Family of the Year Award ng Overseas Workers Welfare Administration sa rehiyon ng Cordillera sa Pilipinas.

Si Conrado Sevilleja, na nakatanggap ng land-based category ng parangal kasama ang kaniyang pamilya, ay nagsimulang magtrabaho bilang isang electrician sa Saudi Arabia noong 1980s bago siya lumipat ng Australia at New Zealand upang magtrabaho bilang isang lineman. Noong 2017, bumalik siya sa Pilipinas at ngayo’y nagmamay-ari na ng 18-hektaryang eco-farm sa Abra, iniulat ng Philippine News Agency.

Ang isa pang pinarangalan na si Bernardo Salib-o, na nakatanggap ng sea-based category ng parangal, ay nagtrabaho bilang isang waiter sa Baguio Country Club sa Pilipinas ng dalawang taon bago siya magsimulang magtrabaho para sa isang cruise line. Sampung taon nang nagtatrabaho si Salib-o sa cruise line ngayon.

Sinabi ni Manuela Peña, ang chief ng OWWA – Cordillera, na ang mga parangal ay ibinigay hindi lamang dahil sa kanilang mga financial success, bagkus na rin sa kanilang mabubuting relasyon sa kanilang mga pamilya.

“Medyo madali nang maging isang successful na OFW kung ang pag-uusapan ay ang mga naabot ng kayamanan, ngunit nalaman naming mas mahirap panatilihin ang mabuting relasyon sa ating mga pamilya at gamitin ito sa ating pagtatagumpay”, sabi ni Peña.

Ibinigay ang parangal sa dalawang lalaki at sa kanilang mga pamilya noong Biyernes sa Paragon Hotel sa Baguio City sa Cordillera Region, Pilipinas.

Original: Migrant workers’ families receive model family awards