Nagkasunog sa isang Taiwanese na fishing vessel noong Martes ng umaga, na nakita agad ng isang Filipinong mangingisda at ipinarating sa kapitan ng barko at sa walo pang iba nitong crew, na ligtas na nakaalis.
Noong 5:23am ng October 23, nakatanggap ng tawag ng tulong ang Fleet Branch ng Coast Guard Administration mula sa Keelung Port Radio matapos mapag-alamang may sunog sa fishing vessel na rehistrado sa New Taipei City, mga anim na nautical miles sa hilaga ng Yehliu, ang cape ng north coast ng Taiwan, iniulat ng The Liberty Times.
Mabilis na kumalat ang apoy kaya nagdesisyon na ang Taiwanese na kapitan at ang kaniyang walong crew members – isang Taiwanese, tatlong mainland Chinese, dalawang Indonesian, at dalawang Filipino – na tigilan nang sugpuin ang apoy at tumalon na lamang sa dagat. Nailigtas sila ng iba pang malalapit na mga fishing vessel.
Nakabalik sila sa Wanli Fishing Harbor ng mga 9:30am at walang kahit anong sugat ang nai-report.
Samantala, nakontrol na ang apoy sa barko ng Coast Guard Administration matapos ng dalawang oras na tuluy tuloy na paggamit ng water jet dito, ngunit muli itong sumiklab ng mga 9:15am. Napatay rin kinalaunan ang apoy ng mga hapon.
Ayon sa paunang imbestigasyon, napansin na ng isang Filipinong crewman ang apoy sa power chamber, na hindi na nasugpo ng carbon dioxide fire extinguishing system at kaya naman ito kumalat.
Inutusan ng Taiwanese na kapitan ang kaniyang crew na iwan na ang barko at tumalon na lamang sila sa dagat.
Original: Fishermen abandon ship after fire and get rescued unharmed