Nagtungo ang dalawang lalaki sa rehabilitation sa India matapos gamitin ang kamandag ng cobra upang sila’y magpakahilo. Ang dalawang ‘di ipinakilalang lalaki mula sa Rajasthan, ay ipinatutuklaw ang kanilang mga dila sa mga cobra.
Isang pag-aaral ang isinagawa para sa dalawa at nagsabing hindi na umeepekto ang mga narcotic na mga bagay sa kanila, iniulat ng The Times of India.
Nakuha ng kaso ang atensiyon ng mga national medical institution at ang mga espesyalista sa Post Graduate Institute of Medical Education and the Research (PGIMER) sa estado ng Chandigarh ay pinag-aaralan na ang dalawa upang malaman kung sila ba’y nakapag-develop na ng mga antibodies o sila ba’y uminom ng iba pang mga gamot upang maiwasang malason ng kamandag ng ahas.
Ipinublish rin ang kaso sa Indian Journal of Psychological Medicine sa isang pag-aaral na tinawag na “Snake Venom use as a substitute for opioids: A case report and review of the literature”, na isinulat ng mga doktor na sina Debashish Basu, Sandeep Grover, at Aseem Mehra.
Napag-alamang nagbayad ang dalawa sa mga snake charmer upang sila’y “halikan” ng mga ahas sa kanilang mga dila. Sinabi ni Dr. Grover na nagresulta ang pangangagat sa pangingisay ng katawan, malabong paningin at pagiging unresponsive sa susunod na 60 minuto, iniulat ng The Telegraph. Nasabing ang dalawa ay nasa state ng extreme euphoria o lubos na pagkatuwa at nagkaroon ng ugaling pagiging pagmamarunong na aabot ng isang buwan.
Dagdag pa ni Dr. Grover na ang dalawang lalaki, na mga magka-40-anyos, ay naging opioid dependent na ng 15 taon. Mayroon lamang apat na pag-aaral na tungkol sa paggamit ng kamandag ng ahas na ipinublish sa India.
Noong Pebrero ng 2012, hinuli ng mga pulis sa New Delhi ang 500 milliliters na kamandag na kinuha sa mga cobra at iba pang mga reptile kasama na ang ibang mga endangered species. Napag-alamang ginagamit ang mga kamandag sa paggawa ng droga, na mas kilala sa pangalang K-72 at K-76, para sa mga nagpupunta sa mga party upang ito’y mga magpakahilo.