Tripoli, capital of Libya. Photo: Wikimedia Commons
Tripoli, capital of Libya. Photo: Wikimedia Commons


Nagpataw na ng total ban ang gobiyerno ng Pilipinas sa mga Filipinong nagtatrabaho sa Libya dahil sa tuluyang pagtaas ng kaguluhan sa bansa.

Inanunsiyo na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang Level 3 Alert sa Libya dahil sa kaguluhan sa estado ng North Africa. Sa ilalim ng kategoryang ito, ipinataw na ang pagbabawal sa mga bagong mga manggagawa na ipadala sa bansa at pinipilit na ang OFW na umuwi na pabalik sa Pilipinas, iniulat ng The Filipino Times.

Nagpataw na ang Department of Labor and Employment ng deployment ban sa mga Filipinong manggagawa dahil sa alert ng Libya.

Inabisuhan na ng Labor Undersecretary Jacinto Paras ang mga Filipinong na-stranded sa Libya na agad nang humingi ng tulong mula sa Philippine Overseas Labor Office o sa Overseas Workers Welfare Administration upang sila na’y mga makauwi.

“Kung mayroon nang Alert Level 3 mula sa DFA, automatic na na magpapataw ng deployment ban. Kung hahayaan nating lumipad ang mga Filipino (upang magtrabaho sa Libya), ilalagay lamang natin sila sa panganib”, sinabi ni Paras.

Itinaas ang alert level matapos mapag-alamang mayroong ilang mga OFW ay kinidnap.

Noong Hulyo, tatlong Filipinong mga engineer at isang South Korean na lalaki ay kinidnap ng mga armadong lalaki habang sila’y mga nagtatrabaho sa isang water plant sa southeastern Libya.

Nag-anunsiyo ng panibagong ceasefire noong Miyerkules upang tapusin na ang isang buwang nakakamatay na labanan malapit sa kapitolyong Tripoli. Ngunit nakaranas na ng matinding kaguluhan ang bansa noon pang katapusan ng 2011 nang mapatalsik ang kanilang pinuno na si Muammar Gaddafi at ito’y napatay.

Dalawang mga magkarebal na mga awtoridad at libu-libong mga militia ang nag-aagawan na pamahalaan ang bansang mayaman sa langis, iniulat ng AFP.

Ang Tripoli ay ang sentro ng may pandaigdigang suporta na Government of National Accord (GNA), na pinamumunuan ni Fayez al-Sarraj. Ngunit isa pang kagayang gobiyerno ang nag-ooperate sa may bandang silangan ng bansa, na may suporta ng mapagbansag na Libyan National Army ng malakas na militar na si Khalifa Haftar.

Original: Philippine govt bans Filipino workers being sent to Libya

Read: Filipinos in Libya warned to prepare for evacuation

Read: Five Filipinos kidnapped in Libya and Iraq

Read: Govt seeks release of Filipinos kidnapped in Iraq and Libya