Nag-volunteer ang lalaking Filipino na bihasang magsalita ng Arabic na ituro ang wika at ang iba pa niyang nalalaman sa kaniyang mga Filipinong kababayan sa Qatar.
Si Jafar Abdulhamid, na ipinanganak sa Marawi City sa Pilipinas, ay nagtungo sa Qatar nang siya’y 14-anyos pa lamang noong 2004 matapos makatanggap ng full scholarship mula sa gobyerno ng Qatar upang mag-aral sa Preliminary and Secondary Religious Institute for Boys sa Doha, iniulat ng The Peninsula.
Sinabi ni Abdulhamid na ang pag-aaral ng Arabic ay ang kaniyang passion at siya ang isa sa pinakamabibilis na matuto sa kanilang klase. Natutunan niya agad ang wika sa loob lamang ng tatlong buwan. Noong 2010, nakatanggap ng scholarship si Abdulhamid mula sa Qatar University (QU) at tinapos ang degree sa Finance noong 2015.
Siya’y napili bilang isa sa mga 20 mga estudyante na mula sa QU na ipinadala sa Indonesia upang magturo ng Arabic, Mathematics, Environmental Science, Computer at Sports sa mga estudyante ng mga mahihirap na rehiyon ng bansa. Iginugugol rin niya ang kaniyang mga bakasyon sa Pilipinas upang magturo ng Arabic, Mathematics, at mga iba pang Islamic na mga subjects.
“Nagiging madali ang lahat dahil sa aking kaalaman sa Arabic, at tumutulong ako sa maraming mga tao sa Filipino community”, sinabi ni Abdulhamid.
Si Abdulhamid ay isa ring aktibong volunteer sa Filipino community sa Qatar. Siya ay ang kasalukuyang bise-presidente ng Philippine Muslim Federation, isang miyembro ng committee ng Asian community sa Qatar Football Association, isang board member ng Almuwasat Charity, representative ng Filipino community sa Qatar Red Crescent at sa Qatar Charity at isa ring honorary cultural ambassador ng Qatar Museums.
“Nagagalak ako bilang isang volunteer. Nakakapagbigay ito sa akin ng kaligayahan sa tuwing nakikita ko ang mga taong tinutulungan ko ay mga napapasaya ko. Kung ang ispirito ng volunteerism ay nasa iyong puso, talagang magbibigay ka ng oras para rito dahil nais mong magbigay tulong sa mga taong mga nangangailangan”, sabi niya.
Original: Filipino fluent in Arabic volunteers to teach compatriots