Jeddah, Saudi Arabia. Photo: Wikimedia Commons
Jeddah, Saudi Arabia. Photo: Wikimedia Commons


Sinaksak at napatay ang Filipinong driver ng kaniyang katrabahong Filipino matapos magsuntukan nitong dalawa noong Linggo sa Jeddah, Saudi Arabia.

Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa isang statement na ang 29-anyos na biktima ay namamasukan sa isang pamilya sa Saudi kasama ang suspek, 34-anyos, na nagtatrabaho naman bilang driver ng pareho ring pamilya. Noong Linggo, nagsuntukan ‘di umano ang dalawa sa tapat mismo ng bahay ng kanilang amo.

Hindi nabanggit ng DFA ang identidad ng dalawa. Ayon kay Edgar Badajos, ang Consul General ng Philippine Consulate General sa Jeddah, agad na inaresto ang suspek matapos ang insidente at nanatili sa detention.

Sinabi ni Badajos na uuwi na sana ang biktima pabalik ng Pilipinas sa darating Biyernes, iniulat ng GMA News. Samantala, maaaring harapin ng suspek ang parusang kamatayan kung ito’y napatunayang nagkasala sa korte, ngunit maaari rin namang magbayad na lamang siya ng blood money sa pamilya ng biktima.

Tutulungan ng consulate at ng Philippine Overseas Labor Office sa Jeddah ang dalawang Filipino at ang mga pamilya nito.

Original: Filipino stabbed to death by compatriot in Saudi Arabia