Barangay Canjulao in Lapu-Lapu City in the Philippines. Photo: Google Maps
Barangay Canjulao in Lapu-Lapu City in the Philippines. Photo: Google Maps


Sinentensiyahan ang isang Filipino ng 15 taong pagkakakulong dahil sa pag-aalok at pagpapadala ng mga malalaswang mga litrato ng mga bata online kapalit ng salapi.

Noong April 5, 2017, sa Barangay Canjulao, Lapu-Lapu City, naaresto si Paul John Berame, 24-anyos, sa isang operasyong isinagawa ng Philippine National Police’s Women and Children Protection Center. Nasagip ang tatlong menor de edad na mga babae sa operasyon, iniulat ng Sun Star.

Bago ang pag-aresto, nagsagawa muna ng pagmamatyag ang mga pulis kay Berame at nakumpirma na siya nga ay sangkot sa cybersex trafficking ng mga bata. Nakapagbenta na si Berame ng mga hubad na mga litrato ng mga bata mula edad anim hanggang labing-apat na taong gulang.

Noong Martes, napatunayang nagkasala si Berame sa reklamong Attempted Trafficking in Persons sa Regional Trial Court Branch 53 sa Lapu-Lapu City. Dati siyang sinampahan ng reklamong Qualified Trafficking in Persons sa ilalim ng Republic Act 9208, na may kaparusahang habang buhay na pagkakakulong.

Nakipagtawaran si Berame at nag-plead para sa mas mababang parusa. Sinentensiyahan siya ng 15 taong pagkakakulong at pagmumultahin ng PHP650,000 para sa fines and damages.

Original: Filipino gets 15 years for selling child porn online