Dolores town in Abra province, Philippines. Photo: Google Maps
Dolores town in Abra province, Philippines. Photo: Google Maps


Umuwi ang Filipinang domestic worker mula sa Qatar upang isurpresa ang kaniyang pamilya  sa Pilipinas, ngunit nalaman na lamang niyang namatay na pala ang kaniyang mister sa pamamaril dalawang araw na ang nakalilipas.

Nang makarating si Gladys Pilor sa Pilipinas noong Miyerkules, nalaman niyang nabaril ang kaniyang mister sa bayan ng Dolores sa lalawigan ng Abra, iniulat ng Philippine Daily Inquirer.

Si Rodel at ang isa pang lalaki na nagngangalang Rolan Lazara, parehong mga volunteer worker para sa isang reelection campaign ng gobernador ng Abra na si Maria Jocelyn Bernos, ay magkaangkas sa isang motorsiklo nang sila’y in-ambush at pinagbabaril.

Pinakiusapan ang mga pulis nina Bernos at ng kaniyang katunggaling si Dolores Mayor reobert “JR” Seares na magsagawa ng imbestigasyon ukol sa insidente.

Pinakiusapan rin ni Pilor ang mga pulis na arestuhin ang mga pumatay sa kaniyang mister, na sinabing hindi dapat idamay sa kaguluhan ng pulitika ang mga ordinaryong mga tao. Hindi naman kinilala ng mga pulis at ng mga opisyales ng eleksyon ang mga pagpatay bilang mga political killings.

Original: Domestic worker comes home to learn husband was shot dead