Tumalon ang isang Filipinong domestic worker mula sa bubong ng bahay ng kaniyang amo sa Saudi Arabia upang makatakas mula sa kaniyang amo na pinagbantaan umanong papatayin siya.
Kinilala lamang ang domestic worker bilang Emily, at sinabing sobra ang ibinibigay sa kaniyang trabaho ng kaniyang amo at hindi pa siya nito pinapakain. Kinuha rin ang kaniyang cellphone.
Sinabi ni Emily na kaya siya tumakas dahil natatakot na siya para sa kaniyang buhay dahil pinagbantaan na umano ng kaniyang amo na siya’y papatayin nito, iniulat ng GMA News.
Nagtamo si Emily ng mga pasa at mga sugat sa kaniyang mukha at isinugod siya sa isang ospital. Sinabi ng isang Filipinong nurse sa ospital na kailangan nilang makatanggap ng utos mula sa Philippine Embassy sa Saudi Arabia ngunit inimbestigahan na ng mga pulis ang kaso ni Emily.
Tinulungan ni Renalyn Samorano, ang nurse, si Emily na kuhanan ng video ang kaniyang sarili na nananawagan ng tulong upang maiuwi na siya sa Pilipinas. Sinabi rin ni Samorano na walang kahit sinong contact si Emily sa Saudi Arabia, kaya niya ito tinulungang makipag-ugnayan sa pamilya nito sa Pilipinas.
Nakipag-ugnayan na ang Overseas Workers Welfare Administration sa Embassy ukol sa sitwasyon ni Emily at gagawin nila ang lahat upang mapabalik na ng Pilipinas si Emily.

Original: Domestic worker jumps off roof to escape Saudi employer