Ang Filipinang domestic worker sa Dubai na nagnakaw umano ng salapi at mga alahas mula sa kaniyang amo noong 2009, ay naaresto na matapos ang siyam na taong pagtakas at pagtatago.
Noong 2009, napag-alamang ang Filipina, 40-anyos, na nagnakaw ng pera ng nagkakahalagang 11,000 dirhams (PHP162,000) at mga alahas mula sa kaniyang babaeng amo. Siya’y nakatakas at hindi na siya macontact ng kaniyang mga Emirating mga amo, iniulat ng Gulf News.
Matapos ng mga ilang taon na hindi nila ma-contact ang Filipina, nagsampa na sila ng absconding complaint laban sa kaniiya noong November ng 2009. Matapos ng siyam na taon, naaresto na ng mga pulis ang domestic worker. Hindi naipakita sa mga record kung kailan o paano naaresto ang Filipina.
Noong Martes, sa Dubai Court of First Instance, sinampahan ng kaso ang domestic worker ng pagnanakaw ng pera at mga mahahalagang mga kagamitan mula sa kaniyang mga amo, na nag-plead siya na ‘not guilty’. Sinabi niyang hindi siya nagnakaw ng kahit ano at nais na niyang bumalik ng Pilipinas.
Sinabi ng legal representative ng Filipina na lumayas ang domestic worker sa bahay ng kaniyang amo dahil madalas umano siya nitong ipahiya, hindi maayos na itinatrato, at pisikal na inaabuso. Hindi rin nababayaran pa ang Filipina ng tatlong buwan, ayon sa kaniya.
Didinigin ang paglilitis sa October 28.
Original: Domestic worker arrested after 9 years, charged with theft