Kuwait is a popular destination for Filipinos looking for work. Photo: Wikimedia Commons
Kuwait is a popular destination for Filipinos looking for work. Photo: Wikimedia Commons


Nakauwi na sa Pilipinas ang domestic worker na nakaranas ng pisikal na pang-aabuso sa loob ng isang taon at dalawang buwan mula sa kaniyang babaeng amo sa Kuwait.

Ayon kay Ruby Caduyag, hindi siya pinapakain ng kaniyang babaeng amo, at siya’y binubugbog nito sa tuwing hindi niya maintindihan ang mga utos nito sa kaniya dahil nagsasalita ito sa wikang Arabic, iniulat ng GMA News.

Sinabi ni Caduyag na siya’y sinasabunutan at marahang sinasampal ng kaniyang amo sa tuwing ito’y nagagalit. Gumamit rin ang amo ng isang upuang plastic upang ipanghampas sa kaniya. Sabi ng domestic worker, kung hindi lang talaga dahil sa anak ng kaniyang amo, mas makararanas pa siya ng mas matitindi pang mga pambubugbog.

Nakauwi siya sa Pilipinas sa tulong ng anak rin ng kaniyang amo. Nakalapag si Caduyag sa Ninoy Aquino International Airport noong Lunes at nabigyan rin ng tulong mula sa Overseas Workers Welfare Administration.

Isa ang Kuwait sa mga pangunahing mga destinasyon ng pagtatrabaho ng mga Filipino sa Middle East, na mayroong higit sa 250,000 na mga nagtatrabaho sa bansa, na kalimitan ay mga domestic worker.

Original: Domestic worker suffers abuse for 14 months in Kuwait