Isang dalawang metrong habang python ang natagpuan sa isang palaruan sa pampublikong housing estate sa Kowloon, Hong Kong noong Miyerkules.
Noong 1am, nang nagpapatrol ang security guard sa lugar sa labas ng Kai Cheung House ng Kai Yip Estate sa Ngau Tou Kok, nakakita siya ng dambuhalang ahas sa damuhan, iniulat ng Oriental Daily. Agad siyang tumawag ng mga pulis.
Tumawag naman ang mga pulis ng tulong mula sa isang snake expert na nagngangalang Ho.
Nang matagpuan ni Ho ang ahas, dinaklot niya ito sa ulo nito at hinili niya ito mula sa damuhan. Nagkaroon ng maiksing labanan, ngunit sa huli ay nailagay rin ni Ho ang ahas sa bag.
Kinilala ni Ho ang ahas bilang isang lalaking Burmese python, mga lima hanggang anim na taong gulang at mga nasa dalawang metro ang haba. Pinaniniwalaan niyang lumabas ito upang mangalap ng pagkain sa damuhan.
Protektadong species ang Burmese python sa Hong Kong na naayon sa Agriculture, Fisheries and Conservation Department.
Original: Two-meter-long python found in Kowloon housing estate