The snake fell from the ceiling and sent everyone running in fear. Photo: Screen grab of drama on Youtube.
The snake fell from the ceiling and sent everyone running in fear. Photo: Screen grab of drama on Youtube.


Nagulat ang mga staff sa bangko sa Nanning City sa southern China noong nakaraang linggo nang mahulog ang isang Burmese python mula sa kisame habang sila’y nagmi-meeting.

Nangyari ang drama ng 8:14am noong Biyernes kung kailan nagpa-morning briefing ang isang bank manager sa Industrial and Commercial Bank of China kasama ang walo pang mga manggagawa.

Bigla na lamang nahulog ang python mula sa kisame at tumama sa balikad ng isang babaeng manggagawa bago ito lumagpak sa lapag, iniulat ng Nanning Evening News. Nagsitakbuhan ang mga manggagawa nang makita nila ang reptile.

Mabilis na nakagapang ang ahas sa ilalim ng isang sofa, ayon sa footage mula sa isang closed-circuit TV sa silid (tingnan ang video sa baba).

Tumawag ang mga manggagawa ng snake catcher, na sinubukang huliin ang ahas gamit ng isang mahabang pole na may clamp sa dulo. Malakas na nagpumiglas ang ahas ngunit nailagay rin ito sa isang bag at dadalhin na kung saan.

Ang dalawang metrong ahas, na may bigat na 5 kilo, ay isa sa mga protected species sa China. Ipinadala ito sa isang wildlife conservation and research station.

Wala namang nasugatan sa insidente at nagbukas ang bangko sa normal nitong working hours tulad ng dati. Iniimbestigahan na ng mga pulis kung paano nakapasok ang ahas sa bangko.

Ipinaalam rin sa kanila na nakahuli na rin ng isa pang python sa branch ng bangko noong nakaraang taon.

Nakakalap ng maraming komento sa social media ang insidente. Sinabi pa nga ng isang netizen na baka raw sinusubukang magnakaw ng python sa bangko. Sinabi naman ng isa na delikadong magtrabaho sa bangko na iyon.

YouTube video

Original: Burmese python falls from ceiling of Chinese bank