Binatikos ng isang Filipino migrant group sa Hong Kong ang ipinanukalang batas na mapipilitang magbayad ng mas malaking halaga ang mga domestic worker para sa kanilang Social Security System (SSS) sa Pilipinas sa susunod na taon.
Ipinasa ng lehislatura ng Pilipinas ang Social Security Act of 2018 na mapipilitang magbayad ang mga domestic worker sa abroad ng mandatory pension fund na magkakahalaga ng PHP2,400 (US$44) kada buwan, simula sa susunod na taon, iniulat ng sunwebhk.com.
Dumating lamang ang balita isang buwan matapos ipasa ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang isang resolusyon na pipilitin ang mga Filipinong domestic worker na magbayad ng personal insurance sa tuwing sila’y pipirma ng kontrata sa trabaho.
Sa suma total, magreresulta ang mga batas na ito ng PHP2,400 na kaltas sa kita ng mga domestic worker sa abroad kada buwan.
Hindi maganda ang naging reaksiyon ni Dolores Balladares-Pelaez, ang chair ng United Filipinos-Migrante Hong Kong organization, na sinasabing ang bagong pagpapataw ng batas ay isa pang uri lamang ng pangingikil sa mga OFW.
Gayunpaman, mayroong ilang mga Filipinong mga domestic worker sa Hong Kong ang tila hindi naman problemado sa dagdag na bayarin. Sumang-ayon ang isang domestic worker, na nagtatrabaho na sa Hong Kong ng limang taon, sa panukala dahil wala siyang insurance coverage. Sa tingin niyang makatutulong ang pension fund sa kaniya kapag siya’y umuwi na at nag-retire.
Ayon naman sa ibang mga domestic worker, na nag-aalala sila kung paano nila makukuha ang mga benepisyo, tulad ng hospitalization at maternity, kung sila’y nagtatrabaho pa rin sa abroad.
Ayon sa Migrante International, isang support group para sa mga OFW sa buong mundo, magreresulta ang bagong bill ng PHP144 billion na kita sa unang taon pa lamang na maimplementa ito.
Original: Law forcing domestic workers to pay more for fund slammed
Ang pag member sana ay boluntaryo a para pag nag ka bulilyaso walang sisihan..malaki ang pera na yan para sa gastusin nila..let them decide…wag idikta…
Ang pag member sana ay boluntaryo a para pag nag ka bulilyaso walang sisihan..malaki ang pera na yan para sa gastusin nila..let them decide…wag idikta…
Sobrang malaking halaga lalo pa’t buwan buwan na bayad
Sobrang malaking halaga lalo pa’t buwan buwan na bayad