Ang isang 30-anyos na Ethiopian na domestic worker sa Dubai ay sinentensiyahan ng anim na buwang pagkakakulong sa pagtatangkang ibenta ang kaniyang bagong silang na sanggol sa isang naka-undercover na babaeng pulis sa halagang 10,000 dirhams (o PHP148,000), iniulat ng Khaleej Times.
Sa Dubai Court of First Instance, ang domestic worker at ang kaniyang kasama ay napatunayang nagkasala ng human trafficking. Sinampahan rin ang domestic worker ng reklamong ilegal na pakikipagtalik sa ama ng bata.
Ayon sa domestic worker, siya’y nagpunta ng United Arab Emirates limang taon na ang nakakalipas at nagtrabaho para sa isang Emirating pamilya ng 10 buwan bago siya lumayas sa mga ito. Siya’y nagtrabaho nang ilegal sa bansa hanggang sa makilala niya ang Emirating lalaki at nanirahan kasama ito, na kinalauna’y nakabuntis sa kaniya.
Sinabi ng domestic worker na sinubukan niyang ibenta ang sanggol dahil kailangan niya ng pera at hindi niya ito kayang sustentuhan.
Mayroong higit sa 750,000 na mga domestic worker sa United Arab Emirates at marami sa mga ito ay mula sa Pilipinas, Sri Lanka, India at Ethiopia.
Original: Woman tried to sell her newborn baby to undercover Dubai cop
Read: Maid charged with stealing, having sex in employer’s house