Nasagip ng gobiyerno ng Pilipinas ang anim na menor de edad na mga Filipinong minaltrato at inabuso sa Saudi Arabia. Ayon kay Nasser Munder, ang labor attaché sa Philippine Overseas Labor Office sa Saudi Arabia, na ang tatlo sa mga Filipino ay nasa kanilang pangangalaga, pinauwi na ang dalawa sa Pilipinas at ang isa ay pinapa-deport na, iniulat ng GMA News.
Ang mga Filipino ay mga nasa edad 15 hanggang 17. Sila’y nakaranas ng pang-aabuso at pagmamaltrato sa kanilang mga amo, at hindi pa sila mga pinapasahod. Ang isa sa mga biktima, na kinilala lamang bilang Lydia, 17-anyos, ay hindi pa rin binabayaran ng kaniyang tatlong buwang sahod.
Ayon kay Lydia, siya’y nagpunta bilang isang domestic worker sa Saudi Arabia dahil kailangan niyang suportahan nang pinansyal ang kaniyang pamilya. Ipinahayag rin ng mga biktima na iniba ng mga recruitment agency ang kanilang mga pangalan at edad sa kanilang mga travel documents.
Ayon kay Munder, mahigpit na ipinagbabawal ang mga Filipinong wala pa sa edad na 23 na magtrabaho sa abroad. Sinabi rin niyang iimbestigahan na ang kaso upang malaman kung paano nakaalis ng Pilipinas ang anim na menor de edad.
Original: Six abused under-age Filipino workers rescued from Saudi