One in every 50 Filipino hospital patients in the UAE suffers from breast cancer. Photo: iStock
One in every 50 Filipino hospital patients in the UAE suffers from breast cancer. Photo: iStock


Aabot sa 450 mga Filipina sa United Arab Emirates ang mga nada-diagnose ng breast cancer kada taon.

Ayon kay Dr. Mohanad Diab, isang medical oncology consultant at nangangasiwa ng oncology services sa NMC Hospital sa Abu Dhabi, ang nakababahalang bilang ng mga Filipinang na-diagnose ng sakit ay kalimitang mga kabataan, iniulat ng The Filipino Times.

“Ang age group ay nasa kalagitnaan ng 35 hanggang 50, at mas nakikita pa natin ang mga ito sa mga mas batang mga edad”, sinabi Diab.

Sinabi ni Dr. Balaji Balsubramanian, isang consultant surgical oncologist sa NMC Hospital, na ang breast cancer ang pinakapangkaraniwang cancer sa mga Filipina sa UAW. Napansin rin niyang mas bata ang mga Filipinang pasyente ng breast cancer kumpara sa global demographics ng sakit.

Isa sa bawat 50 mga Filipinong pasyente sa UAE ay mayroong breast cancer, at sinabi ni Dr. Diab na isa sa mga factor ng stress ang nakadadagdag sa pagpapasimula ng pagbuo ng cancer.

Kinikilala na ng World Health Organization ang banta ng breast cancer dahil sa pagtatrabaho sa kalaliman ng gabi, at sa 450 na mga Filipinang mga na-diagnose ng nasabing cancer kada taon ay kalimitang mga nagtatrabaho sa gabi.

Ayon sa World Health Organization, mayroong nasa 1.39 milyong mga bagong kaso at 458,000 na mga namamatay dahil sa breast cancer kada taon.

Original: 450 Filipinas diagnosed with breast cancer in UAE every year