Inaresto ang Swedish na lalaki sa Pilipinas sa pagbabantang pagpapakalat ng mga malalaswang mga litrato ng kaniyang dating nobya kung hindi siya nito babayaran ng PHP100,000.
Noong ika-5 ng Setyembre, inaresto si Michael Lagarde ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang sting sa isang mall sa Taguig City, iniulat ng Manila Bulletin.
Nangyari ang pang-aaresto matapos magsampa ng reklamo ang Filipina sa NBI. Sinabi ng Filipina na siya at si Lagarde ay naging magkarelasyon ng dalawang taon. Sa mga panahon na ito, kinukuhanan siya ng pera ni Lagarde at ipinang-babayad ng malalaking halaga ang kaniyang credit card at ang kaniyang ATM account.
Naghiwalay sila noong Hunyo matapos mapag-alaman ng babae na mayroong maraming kasong panloloko ang lalaki sa bansang Sweden at nambiktima na ng iba pang mga babae.
Maaaring maparusahan si Lagarde ng grave coercion at grave threats sa ilalim ng Republic Act 9262, o ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004.
Original: Swede allegedly blackmails former girlfriend over nude photos