Nagsalita na ang Filipinong construction worker ukol sa mga alegasyon na mga pang-aabuso at pananamantala na sinabi niyang naranasan umano niya simula pa noong unang araw niyang magtrabaho sa New Zealand.
Sinabi ng Filipino, na nagtrabaho sa Qatar bago lumipat sa Christchurch sa New Zealand noong 2015, na siya’y binabayaran ng NZ$24 (o PHP845) kada oras, na mas mababa sa standard ng industriya na NZ$35 (o PHP1200), at labisang pinagtatrabaho at kinukutsa, iniulat ng Radio New Zealand.
Sinabi niyang maliban sa hindi pagbabayad sa kanila nang ayos, kinukutsa rin siya at tinatawag siya ng kaniyang mga katrabaho ng mga nakalalait na mga salita. Sinabi niyang binabatukan at sinisipa pa siya sa kaniyang puwitan at tinatawag siyang “idiot” (o mangmang) ng kaniyang mga katrabaho.
“Minsan sinasabihan akong dapat akong mahiya sa sarili ko”, sabi niya.
Sinabi niyang mabuti naman ang unang taon ng kaniyang pagtatrabaho roon, ngunit bigla na lang itong nag-iba. Noong sa kaniyang ikalawang taon ng pagtatrabaho roon, tinigilan na siyang bigyan ng pay slip ng kaniyang amo dahil hindi na kamo niya kailangan ang mga ito. Sinabi rin niyang binibigyan siya ng trabahong halos ‘di makatotohanang matapos.
“Pangkaraniwan na ang pag-utos sa amin na tapusin ang katumbas ng walong oras na trabaho sa apat na oras”, sabi niya.
Sinabi niyang hindi siya maaaring makapagreklamo sa kaniyang mga amo, sapagkat ayaw niyang malagay sa panganib ang kaniyang visa, na binayaran rin ng kaniyang mga amo. Dagdag pa niya’y marapat lamang na magkaroon ng pagbabago sa ganoong patakaran upang ang mga migranteng may husay ay ‘di na nangangailangang umasa pa sa kanilang mga amo na bayaran ang kanilang mga visa.
Ipinakita sa isang bagong pag-aaral na maraming Filipinong construction workers sa New Zealand ang kumakaharap ng diskrimansyon sa sahod at ng ‘di pagtatrato sa kanila nang maayos ng mga katrabaho nilang mga Kiwi. Sinabi ng gobiyerno ng Pilipinas na pinag-aaralan na nila ang mga reklamong pananamantala sa mga Filipino sa nasabing bansa.
Original: Filipino worker tell of abuses, exploitation in New Zealand
Read: Govt looking into exploitation of Filipinos in New Zealand
Read: Filipinos ‘underpaid and poorly treated in New Zealand
New Zealand or Netherlands ?
Bago magpadala sana ang gobyerno natin may nakalatag na proteksyon sa ating mga maggagawa para hindi na mangyari ang pananamantala, pangaabuso at pangaapi.
ibang lugar ang Nerherland ito ay nasa Europe. ang New Zealand ay nasa lower part ng Australia.
hndi ksi kaya pmahalaan ng tao ang kapwa nila.. kng ikaw imperpekto imanage mo ang mga imperpekto imperpekto p dn.. pro kapag perpekto at imperpekto bka pwd p mpefecf ang imperfect.. s ganitong systema ng mundo ganyan talaga ang mangyayari kya nahihirapan ang tao kc nga s isang tao n puno ng kasakiman. pwede mo nman itreat ang kapwa mo ng mabuti bakit pinipili mo n tratohin ng hndi maganda? only Gods kingdom s d hope for every mankind.