The Eastern Magistrates' Court. Photo: HK Government


Tatlong Filipinong mga turista na inakusahan ng paggamit ng pekeng bank draft para sa US$5 billion ay pinalaya na ng Eastern Magistrates’ Court noong Martes.

Iniurong ng prosecutor ang reklamo laban sa tatlong Filipinong lalaki, na sinampahan ng kaso ng one count of false instruments, dahil sa kakulangan ng ebidensiya, iniulat ng sunwebhk.com.

Gayunpaman, si Magistrate Peter Law, na nagsasabing nakakasuspetiya siya ng pagtatangka ng money laundering, ay tinanggihan ang aplikasyon mula sa abogado ng mga nasasakdal sina Elmer Soliman, 57-anyos, at ang kaniyang anak na si Eric Jude Soliman, 31-anyos, para sa “sapat” na halaga ng korte.

Ang ikatlong nasasakdal ay si Eliseo Martinez, 43-anyos, isang abogado sa munisipyo sa Victoria, Tarlac.

Ang tatlo ay inaresto ng mga pulis sa pagpepresenta umano ng forged na bank draft para sa US$5 bilyon sa HSBC headquarters sa Hong Kong Island nang sila’y bumisita roon noong Hunyo.

Sa korte, sinabi ng prosecutor kay Magistrate Law na inuurong na niya ang reklamong “paggamit ng pekeng instrumento” laban sa tatlong nasasakdal dahil sa kakulangan ng ebidensiya. Kinilala niya mga nasasakdal na sila’y nagpunta lamang sa bangko upang malaman lamang kung tunay nga ba ang bank draft.

Sinabi ng defense lawyer na siya’y nagtatanong ng mga halaga sa mga Soliman, ngunit tinanggihan ito ng hukom at sinabing, “Kapag ikaw ay nagtungo ng bangko na may dalang ganitong kalaking halaga, sa ganitong pagkakataon, five thousand million US dollars, iyon ang money laundering.”

Pinag-iisipan na ng mga Filipino na mag-pursue na lamang ng civil claim.

Original: Filipino tourists freed in fake US$5 billion bank draft case

Asia Times Financial is now live. Linking accurate news, insightful analysis and local knowledge with the ATF China Bond 50 Index, the world's first benchmark cross sector Chinese Bond Indices. Read ATF now.