Inabisuhan na ng gobyerno ng Pilipinas ang mga mamamayan nito sa Libya na maghanada sa mga posibleng paglikas dahil sa tuluy tuloy na kaguluhan sa bansang iyon.
Noong Martes, naglabas ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng pahayag na nagsasabing itinaas na ang alert level sa Libya mula sa Level 2 (restriction phase) sa Level 3 (voluntary repatriation phase), iniulat ng ABS-CBN News.
Inabisuhan na ang mga Filipino na umalis na ng bansa hangga’t maaga pa dahil ang patuloy na lumalalang kaguluhan ay maaaring maglagay sa kanila sa panganib.
“Sa ilalim ng Alert Level III, lahat ng Filipinos sa Libya ay inaaanyayahang magsimula nang maghanda para sa kanilang paglikas, at lahat ng mga taong mayroong valid na kontrata sa trabaho na nagbabakasyon lamang sa Pilipinas ay hindi na hahayaang makabalik muli”, sinabi ng DFA.
Naglagay na ang DFA ng mga rapid response teams upang tumulong sa Philippine Embassy sa Tripoli sa paglilikas ng nasa 1,800 na mga Filipino sa kabisera. Pinayuhan ng embassy ang mga Filipinos na manatili sa loob ng kanilang mga bahay at iwasan ang mga ‘di naman kinakailangang mga lakad dahil sa lumalalang karahasan sa paligid.
Ayon sa DFA, mayroong mahigit sa 3,500 na mga Filipino ang nagtatrabaho sa Libya.
Original: Filipinos in Libya warned to prepare for evacuation